"Manindigan at Ipaglaban: Filipino Sa Tersyaryang Lebel"
Kaya naman binuo ang LENGGWAHILA ng mga tagapagtaguyod na
magaaral na nais magbigay kilos upang tuluyang maisabasura ang CMO No. 20 at
maipaglaban ang pagpapanatili ng wikang Filipino sa mga asignatura at panitikan
na tinuturo sa kolehiyo.
Manindigan At Ipaglaban |
Minimithi ng aming adbokasiya na panatilihin at mabigyang sigla ang ating wika lalo na sa Asignaturang Kolehiyo para sa isang minimithi na, maging wikang intelekwalisado ang wikang Filipino.
Layunin ng Adbokasiya
Nilalayon ng aming adbokasiya na mabigyang supporta ang wika para hindi tuluyang matanggal sa Kolehiyo. Kasama namin sa tungkulin ng kampanya ang magsagawa, mag coordinate at magsulong ng mga pagsasaliksik para sa kaunlaran. Pagpapalaganap at pagpapanatili ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa at wikang Panturo sa Asignatura lalo na sa Kolehiyo.
Makikita sa parteng ito ng aming adbokasiya ang mga
inaasahang resulta ng kinalabasan ng aming pananaliksik tungkol sa Manindigan
at Ipaglaban: Filipino sa Tersyaryang Lebel.
Sa inaasahang resulta ng aming pananaliksik ay nalaman namin
ang kahalagahan ng pagpapanatili ng wikang Filipino sa kolehiyo at kung bakit
ito ang dapat gamitin sa pagtuturo sa ibang asignatura. Nais namin ipaalam na
sa pamamagitan nitong aming pananaliksik ay mamumulat ang inyong mga mata na
ang wikang Filipino ay napakahalagang asignatura sapagkat ito ang humuhubog sa
ating pagka Pilipino. Hindi rin makakaila na maraming mga Pilipino ang
ikinahihiya ang sariling wika at binibigyang pansin ang ibang wika. Kaya kami
ay naniniwala na dapat lamang ipagpatuloy ang pagtuturo ng wikang Filipino sa
kolehiyo upang mas lalong makabisa ng mga Pilipino ang importansya ng wikang
Filipino. Kilala ang mga Pilipino na palaban kaya nararapat lamang nating
ipaglaban ang sariling atin lalo na ang wika natin dahil ito ang simbolo ng
ating pagkapilipino may paninindigan at hindi papasupil.
Makatutulong ang aming pananaliksik sa kapwa namin mag-aaral at sa mga gustong magsaliksik tungkol sa Manindigan at Ipaglaban: Filipino sa Tersyaryang Lebel. Makikita dito ang resulta ng aming pananaliksik at malalaman nila ang kahalagahan kung bakit dapat hindi mawala ang wikang Filipino sa pagtuturo ng asignatura sa kolehiyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento